"Huwag basta-basta magtiwala sa kahit kanino dahil itoy maaaring ikapahamak mo."


                                                     Nang Dahil sa Mais


         Sa Bayan ng Negros Oriental, may mag-anak na nakatira at ang tanging hanapbuhay nila ay ang pagtanim lamang ng gulay, prutas at iba pa. Isang araw, nag-usap ang mag-ama na sina Mang Andoy at Ronnie.

Ronnie: "Tay, maaari po bang pumunta akong Maynila? upang makipagsapalaran."
Mang Andoy: "Bakit kailangang pumunta ka pa doon?, pwede namang dito kana lang sa atin, magtanim ka na lang ng mais doon sa lupain natin sa bukid kasama ang kuya Lucas mo."
Ronnie: "Ah, Sige Tay, mas mabuti pa nga para hindi na ako malayo sa inyo."

          Pagkatapos noon, nagtanim ang magkapatid na sina Ronnie at Lucas ng mais sa kanilang bukid. Lumipas ang ilang buwan kailangan na nila itong anihin. Pumunta ang kanilang pinsan sa kanila na si Rey.

Rey: "Insan, pwede ba akong tumulong sa pag-aani ng mais? para naman ako'y magkapera."
Ronnie: "Oo bah, balik kana lang dito sa susunod na araw."

           Nang dumating na ang araw sa pag-aani ng mais, bumalik nga doon si Rey upang tumulong, subalit hindi na siya pinayagan ng magkapatid dahil sa kaunti lang daw ang kanilang aanihin. Hindi sapat ang kanilang kita upang pambayad sa kanilang pinsan. Kaya umuwi na lang si Rey na laglag ang balikat.

             Lumipas ang ilang araw, muling bumisita ang kanilang pinsan sa kanila na may dalang buto.

Rey: "Insan may dala akong buto, tanim mo ito sa bukid niyo siguradong malaki ang kita niyo pag ito'y lumaki."
Ronnie: "Anong buto ito Insan?"
Rey: "Huwag ka ng magtanong basta itanim mo na lang iyan."
Ronnie: "Sige insan, salamat dito."

             Makalipas ang limang buwan, malaki na ang butong binigay ng kanilang pinsan sa kanila.

Ronnie: "Kuya, malalaki na ang mga buto na binigay ni Rey at ang taba-taba pa! Ano kaya ito?"
Lucas: "Hindi ko rin alam eh, basta hayaan nalang nating bumalik si insan dito tsaka natin tatanungin  kung ano iyan,"

            Habang sila'y nag-uusap, biglang dumating ang kanilang ina na may kasamang mga pulis. Nagtaka sila kung bakit may dalang pulis ang kanilang ina.

Aling Juana: "Mga anak, bakit nagawa niyo ito?"
Ronnie at Lucas: "Ang ano nay?"
Aling Juana: "Nagtanim kayo ng Marijuana."(umiiyak)
Mga Pulis: "Huwag kayong tatakas! May nakapagsabi sa amin na may tanim kayong marijuana dito at marami pa!"
Ronnie: "Ano ho?, hindi po namin alam na marijuana po iyan."
Mga Pulis: "Sa presinto na kayo magpaliwanag."

                Nakulong ang magkapatid dahil sa pangyayaring iyon. Binisita sila ng kanilang pinsan sa kulungan at pinagtatawanan lang sila dahil siya ang may kagagawan noon. Alam niyang Marijuana ang binigay niya sa kanila, sinadya niya iyon upang maghigante dahil sa hindi siya pinayagan ng magkapatid na tumulong sa pag-aani ng mais. Lubos naman ang kalungkutan na naramdaman ng magkapatid dahil hindi nila inaasahang magagawa iyon ng kanilang pinsan.

                  Makalipas ang ilang taon, ay nakalabas rin ang magkapatid sa kulungan dahil napatunayang hindi sila nagkasala, sadyang sila'y inosente lamang sa isang bagay na bago sa kanila.
              

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nasa Huli ang pagsisisi....

TULA PARA SA SARILI