Ang Unang Ginawa kong Kwento :)




                                                            Ang Hero na si Boyong



             Sa bayan ng Negros, nakatira ang isang lalaking nagngangalang Boyong. Kilala siya sa kanilang lugar. Isang araw, inireklamo siya ng kanilang kapitbahay dahil sa pananakit umano niya sa kanilang pamilya. Kaya pinalayas siya sa kanilang bayan. Nung gabi ding 'yun, umalis si Boyong papuntang Maynila.


                  Nang makarating siya sa Maynila, inosente siya sa lahat ng bagay. Sa kanyang paglalakad may nakabangga siyang babae, hindi niya inaasahan na magtagpo ang landas nila ng babaeng pinakakamahal niya, ang babaeng iniligtas niya noon sa isang holdaper. Sila'y nagpakilala sa isa't isa at umalis ang babae.


               Nung gabi ding iyon, habang naka-upo si Boyong sa gilid ng kalsada bigla nalang may nakitang tumama sa kanya. Dahil doon, nagkaroon siya ng kapangyarihan, isang kuryenteng asul at may kakayahang lumipad at kumilos ng mabilis. Ginagamit niya ito sa kabutihan.


                   Isang araw, may isang halimaw na naghasik ng lagim sa kanilang lugar. Maraming namamatay, hawak din ng halimaw ang kahinaan ni Boyong, si Cristy, ang babaeng mahal niya. Napatay ni Boyong ang halimaw gamit ang kanyang kapangyarihan, kaya't naging payapa na ang kanilang lugar. Nagpakasal na rin sila ni Cristy. Naging tanyag si Boyong bilang superhero sa kanilang lugar hanggang ngayon.
                   

                     




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nasa Huli ang pagsisisi....

"Huwag basta-basta magtiwala sa kahit kanino dahil itoy maaaring ikapahamak mo."

TULA PARA SA SARILI