Ang Unang Ginawa kong Kwento :)
Ang Hero na si Boyong Sa bayan ng Negros, nakatira ang isang lalaking nagngangalang Boyong. Kilala siya sa kanilang lugar. Isang araw, inireklamo siya ng kanilang kapitbahay dahil sa pananakit umano niya sa kanilang pamilya. Kaya pinalayas siya sa kanilang bayan. Nung gabi ding 'yun, umalis si Boyong papuntang Maynila. Nang makarating siya sa Maynila, inosente siya sa lahat ng bagay. Sa kanyang paglalakad may nakabangga siyang babae, hindi niya inaasahan na magtagpo ang landas nila ng babaeng pinakakamahal niya, ang babaeng iniligtas niya noon sa isang holdaper. Sila'y nagpakilala sa isa't isa at umalis ang babae. ...